Warning: Sensitive content
Apat na batang magkakapatid pinatay ng kanilang amain na live-in partner ng kanilang nanay sa Summer Homes, Bgy Cabuco, Trece Martirez, Cavite, nitong March 9, 2023.
Ang amain ay kinilalang si Felimon Escalona, 38, isang tricycle driver. Ang ina naman ng mga bata ay si Virginia dela Pena na isang OFW sa Saudi Arabia.
Ayon sa interview kay Virginia, nag-video call pa sila ni Felimon bago ang nasabing insidente. Sabi ni Virginia kay Felimon, "Kung lagi kang ganyan tinatanong ka lang lagi kang nagagalit sa akin, akong mawawalan sa yo ng pagmamahal."
Sagot daw ni Felimon, "Ah ganun, nawawalan ka na sa kin ng pagmamahal dahil may lalaki ka dyan!" Nanlaki daw ang mga mata ni Felimon na pulang-pula.
"Anong may lalaki? Wala akong lalaki dito sa Saudi. Halos hindi ako nakakalabas, nakakalabas ako kapag kasama ko amo ko", paliwanag ni Virginia.
Hindi nagtagal ay nilapag na daw ni Felimon ang cellphone at pumunta ito sa kuwarto ng mga bata. Dahil naka-on pa rin ang video call, narinig ni Virginia ang sabi ng mga bata na "Papa wag po, wag po!"
Agad na tumawag si Virginia sa barangay para humingi ng saklolo. Tinungo agad ng mga tanod ang nasabing bahay ngunit nakakandado ito. Kaya humingi na sila ng tulong sa pulisya.
Nang dumating ang pulisya ay sapilitan nilang pinasok ang bahay. Tumambad sa kanila ang duguan na katawan ng apat na magkakapatid.
Sa tabi ng mga biktima ang suspek na may nakatarak na kutsilyo sa katawan. Dinala pa nila sa hospital si Felimon ngunit binawian din ito ng buhay.
Sa pader ng bahay may mensaheng nakasulat na gamit ang dugo, "Pasensya na, mahal kita".
Sources DZRH
GMA Integrated News
ABS-CBN News
#trecemartirez
#cavite
#pinastoday
#philippines2023