Personal na pinuntahan ang Darna Star na si Jane De Leon ang viral food panda rider. Tinulungan at binigyan ng mga groceries ang pamilya ng rider dahil sa kanyang kasipagan. Kamakailan lang ay nagviral si Manuel kasama ang kanyang anak habang nagtatatrabaho at nagdeliver ng mga items bilang isang FoodPanda rider.
Ang viral photos na inupload sa facebook ay nagtrending at naging patok na topic sa social media dahil sa kasipagana ng ama.Libo-libo ang nagpaabot ng simpatya at mayroon ding tumulong kasama na duon si Jane De Leon.
Labis ang pasasalamat ni Hershey A Manuel kay Jane De Leon sa kanyang facebook post nitong Oktubre 29. Aniya, si Jane pa mismo ang nagpunta sa kanilang lugar upang mahatid ang tulong na ibinigay nito para sa kanilang anak.
"Maraming maraming salamat po Darna Jane De Leon at sa buong team po nila. Hinding hindi ko po malilimutan to na pinuntahan nyo pa po kami at kayo po mismo nagchat sakin para matulungan kami kahit sobrang busy nyo po."
Salamat Jane de leon
ReplyDelete